20210127

Panalangin

 O Diyos, Magligtas.

O Diyos, Haring Ama, alisin ang sumpa

Panginoong Diyos, alisin ang demonyong nanahan sa aming tahanan

O Diyos, takpan ang aming tainga sa kasamaan

O Diyos, magprotekta Kayo sa amin

O Diyos, manahan sa Inyong dugo

O Diyos, linisin ang aming puso

O Diyos, pasiglahin ang aming puso

O Diyos, Kayo ang kailangan namin...

O Diyos, ang oras sa piling Niyo ay higit na masaya at malinamnam sa puso.

O Diyos, ikakanta namin ang Inyong Puso

Banal na Puso ng Diyos, iligtas kami.

O Diyos, alisin ang aming pangamba

O Diyos, lagyan ng inyong presensya ang aming bahay at bahay-bahayan

O Diyos, manahan kayo sa puso namin

O Diyos, ikakanta namin ang inyong kadakilaan sa mga manggagawa

O San Jose Manggagawa, kami'y nananawagan sa inyo.

Panibagong pananaw, Panginoon, Kayo'y kailangan namin.

Panginoon, kailangan Ka namin.

Panginoon, talinghaga, sino ba ang Inyong manggagawa?

Umaga hanggang hapo'y nagdurusa

Panginoon, tulad ng matibay na kalabaw, sila'y nagdadala

Nagdadala ng kanilang pamilya

Panginoon, sa pamilya'y sila'y kapos sa kwarta

Magic wallet, kung mayroon man, sa isang iglap ay mapasakanila

Kailan pa, Panginoon, ang susunod na pagpapakawala ng pera?

Panginoon, laman ng bulsa, kami'y naubusan at lalo'y di nag-iisa.

Panginoon, kailan pa?

Kailan pa nagsara ang kalangitan?

Panginoon, ngayo'y naghihintay.

Bantay, gabi at umaga

Alamin ang talinghaga.

Panginoon, sabihin Niyo sa amin ang Inyong loob.

Magsilbi, ngunit lamang magnilay sa isang tabi.

Panginoon, panatag na isip, tunay na mahalaga tulad ng ihip ng hangin.

Panginoon, pakinggan ang sa aming puso'y panalangin.

Amen.


No comments:

Post a Comment

Please no comment kudasai. :)

Note: Only a member of this blog may post a comment.