20201001

bakit ba ako nag-aral ng art?

 Techniques inaral ko sa art dahil gusto ko malaman kung paano gumawa ng fine art from cheap materials...
":( naniniwala akong hindi kailangan ng mamahaling art materials para maging successful na artist.
turuan mo lang mag-drawing ang normal na public school student, at magkakaroon siya ng kinang sa bayan na kung saan man niya dadalhin, siya ay titingnan na mahusay, matalino, mabuting tao at blessing sa bayan.
magkakaroon rin siya ng confidence na tumapat sa mayamang tao at sabihin sa sarili niya, na "magkatulad rin kami"
kakaiba ang nagagawa ng artes para sa isip ng isang tao. nakakapagpagling ito ng puso, nakakapagpaganda ng iyong kaluluwa, nakakaganda ng buhay at bahay, at mainam itong pampataas ng self-esteem, kung sakaling ibenta niya ang art niya at makakuha siya ng pera.
lahat ng tao, nagkakaroon ng "required" na art materials sa school. Sa lahat ng bayan, at halos lahat ng medium hanggang malaking tindahan, tiyak nagbebenta ito ng art materials gaya ng crayons at papel. sa palagay ko, walang tao sa balat ng lupa ng kahit kailan hindi nakahawak ng art materials. Halos lahat ng tao may kamay, paa, o bibig. lahat may katawan at lahat pwedeng ma-expose sa art.
sa lahat ng lugar, kung advertisement man ito, magandang tanawin, damit, imahe sa kompyuter, pagkain at inumin, o palabas sa telebisyon, lahat may artes.
kahit sa simbahan meron rin, sa palagay ko, na bellas artes.
sa palagay ko, lahat may kakayahan gumawa ng art. lahat may access sa gamit pang-art. pero bakit ba hindi lahat tinuturing ang sariling "artist"? bakit ba may taong, minsan, ay tinuturing na "hindi creative"?
hindi marami ang may access sa mga art tutorials or art classes. hindi lahat may teacher pagdating sa art. hindi rin lahat, pag inabutan mo ng art materials, may confidence gumawa ng magandang art. so bakit ba hindi marami ang nagiging art teacher at nagtuturo kung paano gumawa ng art? kundi man ito maganda sa kahit kaninong pagkatao.
ang art ay nakakapagbigay ng saya, at malalimang "fulfillment" na tiyak magpapaangat sa iyong morale na panghabang buhay. kung makaranas ka ng "catharsis" kahit isang beses sa buhay mo, tiyak na magiging masaya ka habang buhay.
dapat may magturo ng art. dapat may mag-encourage sayo maging "artist". para lang sigurado kang ma-encourage mag-drawing at mag-pinta, dapat makapag-benta ka rin ng art.
ang gusto ko gawin sa buhay ko, magpalaganap ng art-making sa mga simpleng tao at gawin ko rin silang katulad ko na maraming alam na dekorasyon sa damit at bahay at gawin silang masaya at mayaman rin sa sarili nila.
yay.

:P 


 

No comments:

Post a Comment

Please no comment kudasai. :)

Note: Only a member of this blog may post a comment.